panuto:tukuyin ang kaantasan ng pang-uri,isulat ang L kung Lantay,PH kung pahambing at PS kung ito ay nasa pasukdol. 1.Si Danny ay kasinghusay ni Danilo sa paglalaro ng basketbol. 2.Si Jasmin ang pinakamatalinong mag aaral sa klase ni Binibining Mateo. 3.Napakasarap ng amoy mula sa kusina ni pepito. 4.Ayon sa PAGASA malakas ang bagyong tatama sa hilagang bahagi ng Luzon. 5.Walang gustong makipagkaibigan sa kanya dahilibod ng sama ang kanyang ugali. 6.Mas matangkad sa iyo ang kuya mo nang tatlong pulgada. 7.Iyan ang pinakamataas na gusali sa Lungsod ng Makati. 8.Ang ani natin ngayon ay mas malaki kaysa sa nakaraang taon. 9.Ang bahay ni Ginoong Alfonso ay malayo sa simbahan. 10.Ang karanasan ni nilda ay lubhang nakalulungkot.