👤

Pangunahing produkto ng tarlac

Sagot :

Pangunahing Produkto ng Tarlac

Ang Tarlac ay isa sa mga lalawigan ng Rehiyon III. Ito ay kilala bilang "Melting Pot ng Luzon". Ang pangunahing produkto ng Tarlac ay palay at tubo. Sa katunayan, ito ay may sariling kabyawan ng palay at tubo. Bukod sa mga ito, ang iba pang pananim ay mais, niyog at gulay.

Tarlac

Ang Tarlac ang pinakahuling lalawigan na itinatag ng mga Kastila noong taong 1874. Ang mga naninirahan dito ay katutubong Ilokano, Pampanguenos, Pangasinense at Tagalog. Ang mga ikinabubuhay ng mga tao rito ay pangangahoy, pagsasaka, pagtotroso at industriyang gawaing pambahay. Marami rin ang nagnanais na bumisita rito dahil sa mga magagandang lugar na matatagpuan dito. Narito ang ilan sa mga matatagpuan sa Tarlac:

  • Magsaysay Dam
  • Liwasang Bamban at Mga Kweba
  • Bukal Dolores
  • Museo Maria Clara
  • Bantayog ng Martsa ng Kamatayan
  • Groto ng Our Lady of Lourdes sa Bamban

Mitolohiya sa Rehiyon III:

https://brainly.ph/question/140821

https://brainly.ph/question/146837

#LearnWithBrainly