Sagot :
Answer:
1. Ang Batas Cooper o mas kilala sa tawag na Batas ng Pilipinas ng 1902 (english: Philippine Bill of 1902 o Philippine Organic Act (2013)) ay isang batas na ipinatupad ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1902. Ipinagtibay ito noong 2 Hulyo 1902. Ito ay nagtakda ng pagbibigay ng mga karapatan sa malayang pananalita at pagpapahayag, kalayaang huwag mabilango dahil sa pagkakautang,pagiging pantay-pantay sa harap ng batas at kalayaan mula sa pagkaalipin.Ayon din sa Katipunan ng Karapatan, dalawang Pilipino na kasapi sa komisyon ang maaaring ipadala bilang kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng Estados Unidos.
Sa bisa ng batas na ito, itinatag ang Asamblea o Batasan ng Pilipinas. Noong Hulyo 30,1907 ginanap ang halalan at ang pagpapasinaya ay ginanap noong Oktubre 16,1907 sa Grand Opera House. Naging speaker si Sergio Osmeña at si Manuel L. Quezon naman ang pinuno ng higit na nakararaming kasapi. Nahirang din sina Benito Legarda, Sr. at Pablo Ocampo bilang kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng Estados Unidos.
2. Batas sa Panunulisan - Ang Brigandage Act ng 1902 ay isang batas na nagbabawal sa mga Filipino na magtayo o bumuo ng mga samahan at kilusang makabayan. Ang anumang uri ng pag-aaklas laban sa mga Amerikano ay itinuturing na gawaing kawatan. Ito ay ipinatupad sa tulong ng Komisyon ng Filipinas noong panahon ng pananakop ng Amerika.
3. BATAS SEDISYON - Nakasaad dito ang pagbabawal sa pagsasalita at pagsusulat laban sa Amerika, lalung - lalo na ng mga kaisipang may kaugnayan sa kalayaan ng Pilipinas BATAS BRIGANDAGE -Ipnagbawal nito ang pagtatatag at pagsapi ng mga Pilipino sa mga armadong pangkat na laban sa Amerika.
4.Ang Kapulungang Pambansa ng Pilipinas ay ang naging lehislatura ng Komonwelt ng Pilipinas mula 1935 hanggang 1941 at ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Ang Kapulungang Pambansa noong Komonwelt ay itinatag sa ilalim ng Konstitusyon ng 1935, na nagsilbing saligang-batas ng bansa upang maihanda ito sa napipinto nitong kasarinlan mula sa Estados Unidos. Subalit nang umabot ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko, nagdestiyero sa Estados Unidos ang pamahalaang Komonwelt nang matanto nito na masasakop ng Hapon ang bansa. Naiwan ang mangilan-ilang kawanihan ng pamahalaan na inudyok ng mga Hapones na bumuo ng pamahalaan sa kanilang pagdating. Itinatag ng mga Hapones ang isang naturingang malayang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng Konstitusyon ng 1943, na nagtakda ng isang Kapulungang Pambansa na magsisilbing lehislatura nito. Ang Republikang itinatag sa ilalim ng mga Hapones ay halos kinilala lamang ng mga Alyansang Axis
5. Ang Batas Jones o ang Philippine Autonomy Act ay ang batas na nagbibigay sa mga Pilipino ng kalayaang magsarili at pangako ng pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas sa lalong madaling panahon kapag nagkaroon na ang bayan ng isang matatag na pamahalaan. Ito ang pinakamahalaga at pinakamataas na batas ng Pilipinas simula nang 1916 hanggang 1935 nang pagtibayin ang Saligang Batas ng Pilipinas. Ang Philippine Autonomy Act of 1916 na lalong kilala sa tawag na Batas Jones ay pinanukala ni Kinatawan William Atkinson Jones ng Virginia, U.S.A. at nasabatas noong ika-29 ng Agosto, 1916.Ayon sa preamble ng Batas Jones,babawiin ng USA ang soberanya nito sa Pilipinas at kilalanin ang kalayaan ng mga Pilipino makaraang magkaroon ang Pilipinas ang isang matatag na pamahalaan.
Explanation:
:)
Answer:
1. ang batas pilipinas 1902 ay isang pinagkulang batas na iniharap ni kongresista Henry Allen Cooper na nagtakda ng pangangasiwa ng pamahalaang sibil sa pilipinas,kaya tinatawag itong batas cooper
2.Ang Brigandage Act ng 1902 ay isang batas na nagbabawal sa mga Filipino na magtayo o bumuo ng mga samahan at kilusang makabayan. Ang anumang uri ng pag-aaklas laban sa mga Amerikano ay itinuturing na gawaing kawatan. Ito ay ipinatupad sa tulong ng Komisyon ng Filipinas noong panahon ng pananakop ng Amerika.
3. - Nakasaad dito ang pagbabawal sa pagsasalita at pagsusulat laban sa Amerika, lalung - lalo na ng mga kaisipang may kaugnayan sa kalayaan ng Pilipinas
4.Ang Pambansang Asamblea ng Pilipinas (Tagalog: Kapulungáng Pambansâ ng Pilipinas, Espanyol: Asamblea Nacional de Filipinas) ay tumutukoy sa lehislatura ng Komonwelt ng Pilipinas mula 1935 hanggang 1941, at ng Ikalawang Republika ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng Hapon. Ang Pambansang Asamblea ng Komonwelt ay nilikha sa ilalim ng Saligang Batas ng 1935, na nagsilbing pangunahing batas ng Pilipinas upang ihanda ito para sa kalayaan nito mula sa Estados Unidos ng Amerika.
5.Ang Batas Jones (39 Stat. 545,. 416, kilala rin bilang Jones Act, the Philippine Autonomy Act, at the Act of Congress ng August 29, 1916) ay isang Organic Act na ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos. Pinalitan ng batas ang Batas Organic ng Pilipinas noong 1902 at kumilos bilang isang konstitusyon ng Pilipinas mula sa pagsabatas nito hanggang 1934, nang naipasa ang Batas ng Tydings – McDuffie (na siya namang humantong sa huli sa Commonwealth ng Pilipinas at sa kalayaan mula sa Estados Unidos ). Ang Batas Jones ay lumikha ng unang ganap na nahalal na lehislatura ng Pilipinas.
Explanation:
thats all hope it can help =-=