Sagot :
ANSWER
.Ang mga Frontliners Hindi alintana ang anumang pagod o panganib, walang patid ang pagtupad ng ating mga BAGONG BAYANI sa kanilang sinumpaang tungkulin--ang mag-aruga, magligtas, at magpagaling sa ating mga kababayang may sakit, lalo na ang mga COVID-19 patients na lubos ang pangangailangan ng tulong at pagkalinga. Sa simula pa lamang ng pandemyang ito, sila na ang unang nakasuong sa larangan ng digmaan— tinitiis ang pagod, sakit ng katawan, hirap ng loob. Lumalaban sila sa sariling pangamba, agam-agam, at pangungulila sa pamilya, mabigyan lamang ng ginhawa ang may sakit, at sa kahit munting paraan ay makatulong upang maibsan ang paghihirap ng mga ito. Sila ang ating mga minamahal na frontliners at health care workers na patuloy na pinipiling maglingkod sa BAYAN bago ang kanilang SARILI. Kaya naman, ating bigyang-pugay at bigyan ng 'mahigpit na yakap' ang ating mga kababayang frontliner sa kanilang hindi matatawarang serbisyo at sakripisyo. Mula sa buong mag aaral. Palagi kayong nasa aming mga dasal.
Explanation: