Sagot :
Ang disaster management ay may dalawang approaches, ang top-down approach at ang bottom-up approach.
Sa Top-down Approach, lahat ng gawain mula sa pagpaplano hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaaasa sa mas nakatatatas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.
Habang sa Bottom-up Approach naman, ang pangunahing batayan ng plano ay ang karanasan at pananaw ng mga mamamayang nakatira sa isang disaster-prone area.
Karagdagang Kaalaman:
Ang disaster management ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol kung may suliraning pangkapaligiran.