👤

Anu ang kahulugan ng pompiyang


Sagot :

Explanation:

ito po ay isang instrument na may mataas na tunog na bagay

Ang pompiyang ay isang mini-game na ginagamit upang matukoy kung sino ang magiging taya sa isang laro o upang matukoy kung aling mga tao ang magiging kabilang sa iba't ibang mga koponan (dalawang grupo).

KONSEPTO NG POMPIYANG (minigame)

Ang mga manlalaro ay nakikipagsapalaran sa isang bilog at bawat isa sa kanila ay ilalagay ang isang kamay sa gitna. Sa boses na senyales ng isang kalahok, inaasahan na mabilis na ibaling ng mga manlalaro ang kanilang kamay alinman sa nakaharap o nakatalikod na posisyon. Ang nag-iisang manlalaro na naiiba ang pagkaharap ng kamay ang magiging taya.

Mga pagkakaiba-iba ng spelling: pompiyang, pompyang, ompiyang

IBANG PAGKAKAHULUGAN

Ang pompyang ay mga instrumentong perkusyon o panugtog na binibira, pinapalo, tinatapik, o pinagbabangga upang makalikha ng tunog.

  • Kahawig sila ng mga takip ng kaserola o kawali, ngunit may maliit na umbok sa gitna at may mga taling lumalagos sa isang butas.
  • Tinatawag na simbalero, simbalista, mampopompyang, o tagapompyang ang taong tagatugtog ng mga pompyang.
  • Pangkaraniwan sa mga ito ang magkaparis na mga payat na piraso ng metal, na hinahawakan ng tig-isang kamay at pinagbabanggaan, kaya't nakalilikha ng musikang may ritmo.