Sagot :
Ang Kultura ng mga Tagalog ay hindi masyadong naiiba sa ibang mga kultura sa bansa. Ang mga Tagalog ay itinuturing na may maunlad na komunidad dahil sa lokasyon nila kung saan binubuo ito ng mga taga-Kamaynilaan, Calabarzon, at ilang probinsiya gaya ng Bulacan, Bataan, Zambales, Nueva Ecija, Aurora, Marinduque at Mindoro.
Kapag Kultura ng Kapampangan ang ating pag-uusapan ay hindi rin ito nalalayo sa kulturang Tagalog pagdating sa mga kaugalian at tradisyon. Pero may sarili silang wika na tinatawag na Kapampangan. Sila ay isa sa mga itinuturing na pinaka-maimpluwensyang pangkat etnikong Pilipino. Kilala ang mga Kapampangan sa masarap nilang lutuin kaya naman tinagurian ang Pampanga na Culinary Capital of the Philippines.
Malaking bahagi ng kultura ng Kapampangan ang pagkain, paniniwala at mga selebrasyon kaya naman maraming turista ang dumarayo sa probinsiya para maranasan nila ang mayamang kulturang Kapampangan.
Explanation:
ito na po