Sagot :
Ano ang buwis?
Ang buwis ay pera na kinokolekta namin sa ngalan ng pamahalaan. Maaaring kailangan mong magbayad ng buwis kung kumikita ka mula sa:
isang trabaho
mga allowance at bayad ng Centrelink
pagpapatakbo ng negosyo
ibang mga pagkukunan (katulad ng interes sa bangko).
Bakit tayo nagbabayad ng buwis ?
Ang perang buwis na kinokolekta namin ay nagbabayad sa mga serbisyo katulad ng:
kalusugan
edukasyon
depensa
mga kalsada at riles
social security at iba pang mga pagbabayad na mula sa Centrelink.
Paano ako magbabayad ng buwis?
Kung nagtatrabaho ka para sa isang taga-empleyo, kukunin nila ang buwis mula sa iyong sahod o suweldo at ibibigay nila ito sa amin.
Kung mayroon kang ibang kita, katulad ng kita mula sa negosyo o interes sa bangko, maaaring kailangan mong magbayad sa amin ng buwis. Kung kailangan mo ng tulong, maaari mong kontakin kami o ang isang nakarehistrong ahente ng buwis.
Karamihan sa mga tao ay kailangang magsumite ng isang tax return bawat taon upang sabihin sa amin kung magkano:
ang kitang kinita nila
ang buwis na binayaran nila.
Ginagamit namin ang impormasyong ito upang kalkulahin kung binayaran mo ang tamang halaga ng buwis para sa taon.