👤

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang sitwasyon. Pag-aralan

kung nagamit ni Cristy ang malayang pagpili patungo sa kabutihan. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

Sitwasyon: Kapos sa buhay ang pamilya ni Cristy. Isang araw, inalok siya ng
kaibigan na sumama sa kaniya upang kumita ng pera. Dahil sa pangangailangan,nagawa ni Cristy na magbenta ng ilegal na gamot upang matustusan ang
pang-araw-araw na gastusin sa kanilang tahanan.


Gabay na Tanong:

1. Tama ba ang ginawa ni Cristy? Bakit?

2. Ano kaya ang kahihinatnan ng pagpili na ginawa ni Cristy?

3. Kung ikaw si Cristy, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit?​


Sagot :

Unang tanong: Ang ginawa b ani Cristy ay tama? Bakit?

Sagot: Hindi tama ang ginawa ni Cristy dahil labag sa ating batas ang ginawa niyang pagbenta ng ilegal na gamot. At pinagbabawal ito sa ating bansa sapagkat hinuhuli ang ganitong mga gawain.  

Ikalawang tanong: Ano ang posibleng kahihinatnan ng ginawang pagpili ni Cristy?  

Sagot: Maaari siyang mapahamak at mapalayo ng landas sa ganitong pagpili. Hindi ito makakabuti sa buhay niya at maging sa kaniyang kalusugan. Sangkot dito ang kaniyang buhay kung saan nakasalalay na ito. Kasabay nito, maaari siyang mahuli ng hindi inaasahan ng mga awtoridad sa ganitong pagkilos.  

Ikatlong tanong: Kung ikaw si Cristy, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit?

Sagot: hindi ko gagawin ang ginawa ni Cristy sapagkat lumalabag ito sa pamantayan ng ating bansa at maging sa Diyos. At kahit mahirap ang buhay at kailangan na talaga, hindi ko parin ito papasukin, sa halip ay maghahanap ako ng ibang paraan para masuportahan ang pangangailangan ko at maging ang aking pamilya. Kahit may kalayaan tayo, sisikapin ko na nakaayon ito lagi sa kung ano ang kabutihan at nararapat gawin sa kabila ng mga suliranin o problema.

Paliwanag:

Lahat tayo ay malaya pumili kung ano ang karapatdapat sa buhay natin. Pinagkaloob ito mismo ng Diyos sa atin. Pero alalahanin natin na ang desisyon na tatahakin natin ay kung ano ang tama at nakakabuti sa sarili natin at maging sa lahat ng tao na maaaring maapektuhan. Isipin rin ang resulta ng maaaring mangyari kung tahakin ang maling landasin.  

Magkaroon ng matalinong pagpili at sanayin ang kalayaan tama. Huwag itong abusuhin at irisko ang buhay natin nang panandaliang ginhawa. Matutong magbulay-bulay muna at isipin ang mga gagawin sa mga sitwasyon na mapapaharap sa atin.  

Maaaring magtungo pa sa link na ito para makapagbasa ng higit:

Ang kahulugan ng salitang kalayaan: brainly.ph/question/973264

Sampung kahulugan ng kalayaan: brainly.ph/question/396358

#BrainlyEveryday