Panuto: Basahin ang kuwento at ibigay ang paksa nito. Ang inggit o selos ay nakasisira ng magandang relasyon o samahan. Kapag ito ang pinairal sa puso ay siguradong magkakaroon ng hidwaan o hindi pagkakaunawaan sa tahanan, paaralan, o sa lahat ng lugar kung saan ito maaaring maramdaman. Ito ay isang damdaming maaaring magtulak sa isang tao mag-isip o gumawa nang hindi mabuti sa kapwa. Karaniwang hindi nagiging masaya ang nakararanas nito dahil pawang pagkaawa at pagmamaliit sa sarili ang namamayani sa taong nakararamdam nito. Kaya't sa oras na ito'y maranasan ay kaagad na ibaling sa magandang bagay ang isip at damdamin upang hindi mabigyang-daan ang masamang epekto o bunga nito. (Hango sa Pinagyamang Pluma 6 Wika at Pagbasa para sa Elementarya 2016 p. 92-93) Ibigay ang paksa ng talata at isulat ito sa puwang: