ARALIN 1 Pagsusuri ng Makataong Kllos Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman. (EsPLOMK-Ila-5.2) 1. Ito ang kilos na kasama sa kanyang kalikasan at hindi ginagamitan ng isip o kilos loob. a. Makataong kilos (Human Act) c. Kilos ng Tao (Act of Man) b. Kilos loob (Internal Act) d. Kusang loob (Voluntary Act) 2. Ito ang kilos na ginagamitan ng isip atkilos loob. a. Kusang loob (Voluntary Act) c. Kilos loob (Internal Act) b. Makataong kilos (Human Act) d. Kilos ng Tao (Act of Man) 3. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi nya alam kaya't walang pagkukusa, a. Kusang loob c. Walang kusang loob b. Di-Kusang loob d. Kilos loob 4. Ang kilos na ito ay may paggamit ng ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. a. Walang kusang loob c. Kusang loob b. Di-kusang loob d. Kilos loob 5. Dito ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pang-unawa sa kalikasan at kahihinatnan nito. a. Kusang-loob c. Kilos loob b. Di- kusang loob d. Walang Kusang loob