👤

Ano ang pagkakaiba ng Maikling Kuwento sa Alamat?

Sagot :

Answer:

Pagkakaiba

Explanation:

Alamat

-Ang alamat ay isang mitikal na kwento.

-Nilalaman nito ang pinagmulan ng mga bagay bagay .

-Karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o 

kapaligiran. Ito ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng 

pagiging matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda 

tulad ng pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni't sa bandang huli 

ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba.

-Nagsisimula ito sa matagal na panahon.

Maikling Kwento

-Ito ay anyo ng panitikang nagsasalaysay nang tuluy-tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay

-Ito ay  may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng isang kakintalan o impresyon sa isipan ng mambabasa.

- Ang kasukdulan o ang bahagi ng kwentong nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapanabikan o interes sa mambabasa.

-Ang kakintalan o impresyon ang kaisipang maiiwan ng mambabasa.