Sagot :
Answer:
Aral Mula sa Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
Ang kabutihan at pagkakapantay-pantay ang aral na nais ibahagi ng parabulang ito; nilalayon nito na huwag mainggit sa kapwa sapagkat tayo’y pawang manggagawa ng Dios. Mapapansin na ang ubusan ay lugar ng kadakilaan at kapayapaan; ito ay pagmamay-ari ng Panginoon. Sinasabi dito na ang bawat tao ay pantay-pantay lamang sa kahit anong aspeto ng pamamalagi o antas sa buhay.
Marapat na pahalagahan natin ang bawat bagay sa ating kapaligiran, ituring natin na sila ay kabahagi ng ating buhay. Huwag tayong mag-isip ng kahit anumang uri ng diskriminasyon sa ating kapwa. Panatilihin nating payapa at masaya ang ating puso maging ng iba.
Explanation:
sana makatulong :)