Answer:
Ako Bilang Isang Pinuno
Bilang isang pinuno na tututok sa kapakanan ng kapwa ko estudyante at tutugon sa mga pangangailangan ng aking paaralan, narito ang ilan sa mga katangian na dapat kong taglayin:
- Matalino
- Masipag
- Makatao
- Maabilidad
- Matulungin
Kung nasa akin ang limang katangiang ito, masisiguro ko na ako ay magiging isang mabuting pinuno. Unang una, kailangan na matalino ang isang pinuno upang kaagad nyang malaman ang solusyon sa mga problemang maaari nyang kaharapin. Ikalawa, kailangan din na masipag ang isang pinuno upang marami siyang ma-accomplish. Kailangan din na makatao ang isang pinuno, at nagbibigay ng respeto kahit kanino. Dapat ding maabilidad ang isang pinuno upang magkaroon sya ng mga bagong ideyang makakatulong sa kanyang panunungkulan. At huli, kailangang maging matulungin sa kapwa ang isang pinuno.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa isang mabuting pinuno, bisitahin lamang ang link na ito:
https://brainly.ph/question/237343
#BrainlyEveryday