Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang 1. Ito ay isang laro na nagpapaunlad ng kasanayan sa pagiging mabilis at maliksi. A. Patintero B. Kickball C. Lawin at Sisiw D. Batuhang Bola 2. Anong bagay ang inilalagay sa likod malapit sa baywang ng huling manlalaro ng bawat pangkat sa larong Lawin at Sisiw? A. laso B. panyo C. patpat D. tela 3. Layunin ng inahin sa larong ito na iiwas ang kaniyang mga sisiw mula sa mga kamay ng A. taya B. lider C. tagahabol D. lawin 4. Sa larong Lawin at Sisiw pinapaunlad nito ang lakas at tatag ng A. kalamnan B. binti C. kamay D. paa 5. Ilang manlalaro ang binubuo ng bawat pangkat? A. 7 B. 8 C. 9 D. 10 6. Bakit dapat piliin ang pinakamalakas na manlalaro na siyang maging lider? A. Upang hindi mahabol ang mga sisiw B. Upang matakot ang kalaban C. Upang mabilis tumakbo D. Upang malakas at maproteksiyonan ang mga sisiw