B. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang TAMA O MALI sa patlang. 1. Upang makalikom ng pondo mula sa kolonya at matustusa ang pangangailangan nito, ang paniningil ng tributo o buwi ay isa sa mga pangunahing patakarang ipinatupad ng mga Espanyol. 2. Sa sistemang tributo, nagtatalaga ang pamahalaan ng taunang quota o limitadong dami ng partikular na produkt na kailangang maabot sa mga lalawigan. 3. Lahat ng mamamayan ay obligadong magbayad ng kaukulang halaga sa pamahalaan upang maituring na lehitimong sakop ng Hari ng Espanya. 4. Ang pagbabayad ng buwis ay simbolo ng pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Pilipinas. 5. Sinimulan ang pagkolekta ng tributo noong 1571 na nagkakahalaga ng 8 reales, naging 10 reales noong 1589, hanggang sa naging 12 reales noong 1851.