Sagot :
Answer:
Lipunang Sibil
Ang lipunang sibil ay mga pankat, grupo o mga miyembro ng mga pribadong mamamayan na siyang may malaking ambag sa mga desisyon sa isang pamayanan o lipunan.
Ang lipunang sibil ay mga batas na nabuo dahil sa kusang pag-oorganisa at sama-samang pag tuwang at pagnanais na matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan. Ito ay hindi isinusulong ng mga pulitiko o ng mga negosyante na may pansariling interes.
Mga Halimbawa ng Lipunang Sibil:
Gabriela Movement
Consultation on Peace and Justice
Peace Advocates Zamboanga (PAZ)
Mga non-government organizations (NGOs)
Charity foundations
Lobby groups
Simbahan
Media
Mga batas na naisulong ng Gabriella:
Anti-Sexual Harassment Act (1995)
Women in Development and Nation-Building Act (1995)
Anti-Rape Law (1997)
Rape Victims Assistance and Protection Act (1998)
Anti- Trafficking of Persons Act (2003)
Anti-Violence Against Women and Their Children Act (2004)
Katangian ng iba’t-ibang Anyo ng Lipunang Sibil
Pagkukusang-loob
Bukas na pagtatalastasan
Walang pang-uuri
Pagiging organisado
May isinusulong na pagpapahalaga
Ang lipunang sibil ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, kung kaya nagkakaroon ng likas kayang pag- unlad (sustainable development) na hindi tulad ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan.