👤

ano ang makukuha natin kapag kakain tayo nang gulay?​

Sagot :

Answer:

Ano ba ang gulay? Ang gulay ay tanim o bahagi ng tanim tulad ng ugat, tangkay, talbos, dahon, bunga, o bulaklak na kalimitang inihahain bilang ulam o ensalada. Mayroong dalawang grupo ng gulay: ang madahong berde at dilaw na gulay, at ang iba pang gulay. Malalaman sa kulay at bahagi ng tanim na kinakain ang kahalagahang pangnutrisyon ng gulay.

Ang mga madahong berde at dilaw na gulay ay sagana sa beta-carotene na nagiging bitamina A sa katawan. Tumutulong ito sa ating mga mata na maka-adjust sa gabi o sa dilim. Ito rin ay kailangan sa paglaki ng mga bata. Tumutulong din ang bitamina A para mapanatiling malakas ang ating resistensya laban sa sakit at impeksyon. Mainam din ito sa pagiging malusog at makinis ng ating kutis at buhok. Ang beta-carotene na taglay ng mga gulay ay napatunayang may kaugnayan sa pagbaba ng panganib o risk sa ilang uri ng kanser. Mas higit na maraming taglay na beta-carotene kung matingkad ang pagka-berde o dilaw ng gulay.

magiging malakas ang ating katawan pati ang resistensya

sana makatulong kumain ka ng gulay