👤

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Ibigay ang kahulugan ng salitang may
salungguhit. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang magkakapatid na parang tigre kung magbangayan sa huli ay nag
tutulungan
2. Ang buhay ay parang gulong minsan nasa ibabaw minsan nasa ilalim.
3. Ito ang iyong tatandaan na huwag mong dudungisan ang iyong mga
kamay.
4. Sa kilos at gawi ay tila isa kang Maria Clara.
5. Si Huiquan ay maamong tupa na humarap kay Tiya Li.
RE



Answer:
1.Magkaaway.
2.Bilog ang mundo.
3.Huwag gagawa ng masama.
4.Mahinhin at mayumi.
5.Mabait.

Yan po ang sagot ko Sana makatulong sa inyo.


Sagot :

Talinghaga

Narito ang mga sagot sa iyong takdang aralin.

  1. Magkaaway
  2. Umiikot
  3. Huwag gagawa ng masama
  4. Mahinhin at mayumi
  5. Mabait

Ito naman ang paliwanag sa bawat pangungusap.

  1. Ang tinutukoy sa linyang "Ang magkapatid na parang tigre" ay nangangahulugan na laging magkaaway. Ang mga tigre ay kilala bilang mababangis na hayop kaya ginagamit rin silang simbolismo kapag ang tinutukoy ng may-akda ay tungkol sa pag-aaway.
  2. Ang buhay ay parang gulong. nangangahulugan ito na bilog ang takbo ng buhay. Hindi laging nasa itaas, at hindi rin laging nasa ibaba.
  3. Ibig sabihin ng dudungisan ang kamay ay gagawa ng kasalanan ang krimen. Minsan ay nangangahulugan din ito na huwag ilagay sa kamay ang batas.
  4. Ang pangungusap na ito ay paghahalintulad ng isang tao kay MAria Clara na mahinhin at tunay na depinisyon ng isang Dalagang Pilipina.
  5. Ang tupa ay likas na tahimik at simbolo ng kabaitan maging sa bibliya.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ibig sabihin ng tayutay, maaaring magtungo lamang sa link na ito. https://brainly.ph/question/1913264

#BrainlyEveryday