Sagot :
Answer:
KOLONYALISMO - ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa.-Isa rin uri ng imperyalismo ang kolonyalismo.Isinasagawa ang Kolonyalismo sa pamamagitan ng:
1.Pagkontrol sa kalagayang pampolitiko ng isang bansa
2.Paninirahan sa lugar
3.Pagkontrol sa paglinang ng likas na yaman.
KOLONYA – tinatawag ang lugar kapag nasakop at tuwirang nakontrol.
IMPERYALISMO - tumutukoy sa pakikialam o tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa ibang lupain upang isulong ang mga pansariling interes nito.