👤

paano ko bigyan ng paghalaga ng edukasyon


Sagot :

Answer:

Ang edukasyon ay mahalagang bahagi ng ebanghelyo at ng paghahandang makibahagi sa lipunan at maglaan para sa sarili at sa pamilya.1 Tinalakay ni Elder Craig A. Cardon ng Pitumpu ang kahalagahan ng edukasyon sa mga pahina 54–55 ng isyung ito.

“Sa mundong ito na lalong nagiging kumplikado, ang edukasyon ay isa sa pinakamahahalagang makamtan sa buhay,” pagsulat niya. “At yamang totoo na ang karagdagang edukasyon ay karaniwang nagbibigay ng pagkakataon para sa dagdag na temporal na pagpapala, ang higit na pagpapahalaga sa karagdagang kaalaman ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na magkaroon ng mas malaking impluwensya sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng Panginoon.”

Sinasabi sa Para sa Lakas ng mga Kabataan: “Dapat kasama sa inyong edukasyon ang pag-aaral ng mga espirituwal na bagay. Pag-aralan ang mga banal na kasulatan at ang mga salita ng mga propeta sa mga huling araw. Makibahagi sa seminary at institute. Ipagpatuloy habambuhay ang pag-aaral tungkol sa plano ng Ama sa Langit. Tutulungan kayo ng espirituwal na pag-aaral na ito na mahanap ang kasagutan sa mga pagsubok ng buhay at mag-aanyaya sa pagsama ng Espiritu Santo.”2