1.Ang ilog Huang Ho ay isa sa pinagmulan ng kabihasnan sa Asya. Ito ay tinatawag ding China's Sorrow dahil sa __________. * A. May hindi mabuting elemento ang naninirahan sa ilog na ito. B. Marami ang namatay na Tsino sa tuwing nagdudulot ito ng matinding pagbaha. C. Madals dito nagaganap ang mga labanan ng magkakatunggaling dinastiya. D. Madali itong mapasok at maagaw ng mga kalabang barbaro. 2.Ang __________ ay tumutukoy sa pagsamba sa mga ninuno at mga bagay sa kalikasan. * A. Confucianismo B. Legalismo C. Animismo D. Piyudalismo 3.Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan sa pagpapatayo ng Great Wall of China? *
A. Upang mapabilis ang pagdadala ng mga produkto patungo sa malalayong lugar. B. Upang maitaboy ang mga taong nagtatangkang manakop sa kanilang imperyo. C. Upang maging kilala at maging tanyag ang kanilang bansa dahil sa ganda nito. D. Upang mapadali ang pag-aalay at pagsasagawa ng ritwal sa mga espiritu ng kalikasan at sa mga ninuno 4.Ang dinastiyang __________ ay binansagang "Golden Age of Chinese Philosopher" dahil sa pagiging sikat at maimpluwensiya ng mga kilalang pilosopo katulad ni Confucius. * A. Hsia B. Shang C. Chou D. Chin 5.Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan sa paniniwalang Mandate of Heaven ng mga Tsino. * A. Ang pamumuno ng hari ay may basbas ng kalangitan. B. Tinatawag na "anak ng langit" ang sinumang mapiling mamuno sa imperyo. C. Ang hari ay may katumbas na responsibilidad na maging mabuti at huwaran. D. Ang diyos ay nagkatawang tao at bumaba mula sa kalangitan upang mamahala sa imperyo.