Sagot :
Explanation:
Menu
Search
esepmeyer
Smile! You’re at the best WordPress.com site ever
ARALIN 16
KABIHASNAN SA AFRICA AT MGA PULO SA PACIFICImage
Ø HEOGRAPIYA NG AFRICA
Mahalaga ang papel ng heograpiya kung bakit ang Africa ay huling pinasok at huling nahati-hati ng mga Kanlurang bansa. Tinawag ito ng mga Kanuranin na “dark continent” dahil hindi nila ito nagalugad kaagad.
Ang pinakamainit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaong malapit sa equator . Matatagpuan dito ang rainforest o isang uri ng kagubatan kung saan sagana ang ulan at ang mga puno ay malalaki, matataas, at may mayayabong na dahon. Sa hangganan ng rainforest ay ang savanna, isang bukas at malawak na grassland o damuhan na may puno. Sa grassland sa hilaga ng equator matatagpuan ang rehiyon ng Sudan. Sa bandang hilaga naman ng rehiyon ng Sudan makikita ang Sahara, ang pinakamalaki at pinakamalawak na disyerto sa buong daigdig. Ang Sahara na malaki pa sa Europe ay hindi natitirhan maliban sa mga oasis nito. Ang oasis ay lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at tubig na kayang bumuhay ng halaman at hayop. Tanging sa oasis lamang may mga maliit na pamayanan sa Sahara.
Ø ANG KALAKALANG TRANS-SAHARA
Ang mga mangangalakal mula sa Carthage ay pumunta sa Sahara upang mamili ng mga hayop tulad ng unggoy, leon, elepante, at mga mamahaling hiyas. Iba’t-ibang grupo ng mga tao ang nagtayo ng mga pamayanan sa mga lugar na dinaraanan ng kalakalan.
Ø ANG PAGPASOK NG ISLAM SA KANLURANG AFRICA
Ang Islam ay ipinalaganap ng mga Berber, mga mangangalakal sa Hilagang Africa. Pumupunta sila sa Kanlurang Africa upang bumili ng ginto kapalit ng mga aklat, tanso, espada, seda, kaldero, at iba pa.
Image
Ø KABIHASNAN SA AFRICA
Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan. Dito umusbong ang imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.
Ø ANG AXUM BILANG SENTRO NG KALAKALAN
Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 50 C.E. Malawak ang pakikipagkalakalan nito at sa katunayan, ito ay may pormal na kasunduan ng kalakalan sa mga Greek.
Isang resulta ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito ng Kristyanismo. Naging opisyal na relihiyon ng kaharian ang Kristyanismo noong 395 C.E.Image
Ø ANG IMPERYONG GHANA
Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumisimbolo ang isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahar. Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba’t-ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto.Image
Ø IMPERYONG MALI
Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa sa mahalagang outpost ng Imperyong Ghana.
Katulad ng Ghana, ang imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng kalakalan.
Ø ANG IMPERYONG SONGHAI
Simula pa noong unang ikawalong siglo ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger River.
Sa pamamagitan ng Gao at ng Timbuktu, nakipagkalakalan ang Songhai sa Algeria. Dahil dito, nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi ng Imperyong Islam.
Ø MIGRASYONG AUSTRONESIAN
Magkaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo ng Pacific at Timog Silangang Asya. Ito ay dahil ang nandayuhan at nanahanan. Sa dalawang rehiyong ito ay mga Austronesian. Ang Austronesian ay tumutukoy sa nga taong nasasalita ng wikang nabibilang sa Austronesian o Malayo-Polynesian. Ito ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.
Ø MGA PULO SA PACIFIC
Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Island ay nahahati sa tatlong malalaking pangkat- ang Polynesia, Micronesia, at Mealnisia. Ang mga katawagang ito ay iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo nito.
v POLYNESIA
Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa Silangan ng Melanesia. Ang Polynesia ay higit na malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanesia at Micronesia.
Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis and Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Island, French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn.
v MICRONESIA
Ang mga maliliit na pulo at attol ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at Silangang Asya. Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Island (ngayon ay Kiribati), at Nauru.
v MELANESIA
Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at silangana bayabay-dagat ng Australia. Ito ay kasalukuyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New Caledonia, at Fiji Islands.
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa bayabaying-dagat o sa dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma.
Sana makatulong