SEKSYON 9. Dapat magsagawa ang Estado, sa pamamagitan ng batas at para sa kabutihan ng lahat, sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor, ng patuluyang programa sa reporma sa lupang urban at sa pabahay na magbibigay ng makakayanang disenteng pabahay at mga pangunahing paglilingkod sa mga mamamayang dukha at walang tahanan sa mga sentrong urban at mga panahanang pook. Dapat ding itaguyod nito ang sapat na mga pagkakataon sa hanapbuhay sa mga mamamayang iyon. Dapat igalang ng Estado ang mga karapatan ng mga may-ari ng maliliit na ari-arian sa implementasyon ng programang iyon.
pasummary po para sa question (image)
![SEKSYON 9 Dapat Magsagawa Ang Estado Sa Pamamagitan Ng Batas At Para Sa Kabutihan Ng Lahat Sa Pakikipagtulungan Sa Pribadong Sektor Ng Patuluyang Programa Sa Re class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d08/5b20ca5547b4f821d52af79d07f54e9c.jpg)