👤

sumulat ng isang salaysay ng sariling mong karanasan na nagpapakita ng iyong paggalang sa karapatan ng iba.mga karapatan ng kapwa mo igagalang.​

Sagot :

Sanaysay tungkol sa iyong karanasan sa paggalang sa karapatan ng iba.

[tex] - [/tex]Lahat tayo ay hindi perpekto, may mga oras na tayo'y nagpapakita ng kasamaan ng ugali at pagiging iresponsableng tao. At may oras naman na tayo'y nagpapakita ng kagandahang asal at pagiging responsable. Noon, noong hindi pa uso ang Covid-19 nasa eskuwelahan ako nang nakita ko ang aking kaklaseng nagwawalis sa hardin na nararapat naming pagwalisan tuwing umaga. Habang siya ay nagwawalis napansin kong may mga mag-aaral na nam-bu-bully sa aking kaklase kaya naisipan kong isumbong sa aking tagapag-payo o guro ang sitwasyon. Agad naman pinuntahan ng aming guro ang hardin kung saan nagwawalis ang aking kaklase. Pagkatapos ay nagpasalamat sa akin ang aking kaklase.

Lahat tayo ay may karapatang makapag-aral ng mabuti. Lahat ng mag-aaral ay hindi dapat nabubully. Ang mga mag-aaral ay nasa eskuwelahan upang mag-aral. Hindi upang mambully at gumawa ng masama.

#CaryOnLearning

#StayAtHome

#StaySafe

__Yuki__