👤

sumunod na tanong.
sahin ang halimbawa ng sanaysay na nasa ibaba at sagutin ang mga
Ang Pamilya
Una sa lahat, ang isang Pilipino ay bahagi ng kanyang pamilya. Kahit siya ay
doktor, manunulat, siyentipiko, o ano pa man, nananatili siyang ama o anak, pamangkin
o apo, sa loob ng kanyang pamilya. Dito ay iba ang kanyang katungkulan at ang
pagkakakilala sa kanya. Sa lahat ng oras ay pangunahin sa kanya ang kanyang tungkulin
bilang kasapi ng isang pamilya.
Ang pinakaubod ng pamilyang Pilipino ay ang ama, ina at mga anak. Ang ama ang
pinakapuno ng pamilya. Siya ang nasusunod at nagpapasya para sa pamilya. Sa kabilang
dako ay tungkulin niyang pakainin, bigyan ng matitirhan at papag-aralin ang mga
miyembro ng kanyang pamilya. Kaya siya ang nagtatrabaho at kumikita ng pera. Ang ina
naman ang bahala sa bahay at sa pag-aalaga ng mga bata. Siya ang humahawak ng pera
ng pamilya at pinagkakasya ito sa pangangailangan ng pamilya. Ang mga anak naman
ay may responsibilidad rin. Sagutin nila ang mahusay na pag-aaral at ang pagtulong sa
bahay.
Sanggunian: https://pinoycollection.com/sanaysay-tungkol-sa-pamilyal
Mga Tanong:
1. Ano ang paksa ng sanaysay na iyong binasa?
2. Bakit kaya ang ama ang pinakapuno ng pamilya?
3. Ano naman ang tungkulin o responsibilidad ng anak sa kanyang pamilya?​