Panuto Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang kabihashang Minoan at Mycenean ay umusbong malapit sa Dagat Aegean. Sila ay may mga tulay at may palasyo na nakatayo sa 2 ektryang lupa. Ano ang ipinahahayag ng teksto.
A. May mataas na uri ng sibilisasyon ang kabihasnang Minoan at Mycenean
B. Magaling na karpintero ang mga Mycenean at Minoan
C. Magaling na mangingisda ang mga Mycenean at Minoan
D. Ang mga Minoan at Mycenean ay may mataas na uri ng kabuhayan
2. Isa ang mga Griyego sa may mataas na uri ng sibilisasyon sa Daigdig. Isa sa patunay nito ay ang kanilang mga naiambag sa ibat-ibang larangan at ang ibat-ibang mga kilalang tao gaya ni Aristotle. Ano kaya ang katangian ng mga Griyego na mamamalas sa teksto?
A. Ang mga Griyego ay masisipag at magaling maghanapbuhay
B. Sila ay mapagmahal sa kaalaman at ikauunlad ng kanilang kaisipan
C. Sila ay mapagmahal sa kanilang bansa
D. Ang mga Griyego ay mapagmahal sa pamilya
3 Malaki ang naiambag ng Kabihasnang Romano sa Daigdig lalo na sa larangan ng Pulitika, alin sa mga sumusunod ang kanilang naiambag?
A. Pagtatatag ng Monarkiya uri ng Pamahalaan
B. Pagtatag ng Imperyo at diktadurya
C. Pagtatatag ng Republikang uri ng pamahalaan
D. Pagpapalakas ng Simbahang Katoliko
3. Ang Kabihasnang Klasiko ng Amerika ay may maunlad na pamumuhay. Sila ay nagtatanim at nagpapastol ng hayop sa kani-kanilang mga tribu. Paano kaya lumakas ang kanilang itinayong imperyo?
A. Pananakop ng isang malakas na tribu sa isang mahinang tribu
B. Pakikipagkaibigan at pagsasanib ng dalawang tribu
C. Pakikipagkalakalan at pagkakagusto ng isang tribu sa kalakal ng iba
D. Pagkakapare-pareho ng kanilang mga relihiyon
5. Isa sa mga Kabihasnang umusbong at umunlad ay ang mga Pulo ng Pacific. Sila ay inilarawan ng mga mananakop ayon sa kanilang topograpiya at anyo ng mga katutubong nakatira sa lugar na ito. Ano kaya ang kanilang hanapbuhay at paano umunlad ang kanilang kabihasnan?
A. Sila ay mahusay na mangangaso at mangangalakal.
B. Sila ay magsasaka at mahusay na mandaragat
C. Sila ay mahusay na mga minero
D. Sila ay mahusay maghabi at gumawa ng mga produkto.