Sagot :
Answer:
PAANO MAGING ISANG MALAYANG TAO ?
Ang pagiging malaya ay ang pagkakaroon ng kalayaang gawin ang lahat ng iyong gawin at gustuhin.
Malaya kang maipapahayag ang iyong sarili, maging ang bagay na makakapagpasaya at makakapagbuo ng iyong pagkatao.
Malaya ka kung malaya mong naipapahayag ang iyong mga saloobin at nararamdaman basta wala kang taong natatapakan. Handa kang tumanggap ng mga pagkakamali at handa kang magbago para sa iyong pansariling kabutihan.
Malaya kang magmahal at mahalin, kung sino man ang nais mong mahalin at alayan ng iyong pagmamahal maging ang iyong mga kaibigan at mahal sa buhay.
Malaya ka kung natatamasa mo ang iyong mga karapatan at nagagawa mo ang iyong mga tungkulin bilang isang kasapi ng lipunang iiyong ginagalawan.
Malaya kang nakakapili ng relihiyon at paniniwalaan.
Malaya kang ipagtanggol ang iyong sarili laban sa mga taong nais kang hilahin pababa.
Ang BATAYAN NG PAGIGING MALAYA ay kapag malaya mong nagagawa ang mga bagay na gusto mong gawin at mga bagay na makakapagpasaya at makakapagpabuo ng iyong pagkatao bilang isang mamamayan at kasapi ng lipunan.
Explanation: