Sagot :
Answer:
Dahil sa mga digmaan bago pa ang Panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga taluktok ng bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Ang mga pook na ito ay naging pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod-estado o polis kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika at politiko. May malalaki at maliliit na polis. Ang pinakahuwarang bilang na dapat bumuo ng isang polis ay 5,000 na kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang nailalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod – estado. Karamihan sa mga polis ay may mga pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na tinawag na acropolis o mataas na lungsod.
Explanation:
pakibasa nalang po kung nandyan yung sagot