Sagot :
Answer:
Si Severino Reyes ay kilala sa tawag na Lola Basyang. Nagsimula ang seryeng Lola Basyang noong siya ay naging patnugot ng Liwayway. Ito ay nagtataglay ng iba ibang kwento. Ang pangalang Lola Basyang ay nagmula sa kanyang babaeng kapitbahay na si Gervacia de Guzman, na kilala sa tawag na Tandang Basyang.
Siya ay nagsimulang sumulat ng dula noong taong 1902. Ang pinakatanyag na dula na kanyang nasulat ay ang dulang "Walang Sugat".
Answer:
Si Severino Reyes ay kilala bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa kanyang pagsusulat ng mga kuwentong pambata, ginamit niya ang sagisag na Lola Basyang. Ang kanyang sarsuelang pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa unang bahagi ng panahon ng mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra maestro.