Gawain 6: Damdami'y Tumbukin Mo ba Panuto: Narito ang ilang tanyag na mga linya mula sa pelikulang tagalog at sa pang- araw-araw na mga pangyayari sa buhay. Basahin at unawaing mabuti kung anong damdamin o emosyon ang isinasaad nito. 1. "Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat, tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos, walang himala!" 2. "My brother is not a pig! Ang kapatid ko'y tao hindi baboy damo! Hindi baboy damo ang kapatid ko! 3. "Ayaw ko ng tinatapakan ako! Ayaw ko ng masikip, ayaw ko ng mainit! Ayaw ko ng walang tubig! Ayaw ko ng mabaho! ! 4. "Hoy, babae hindi pa tayo tapos!" Kung saan, kailan at sa paanong paraan Magpasabi ka lang, hindi kita uurungan. 5. Natutuwa ako sa pagdating ng binatang sumalba sa aking buhay. 6. Bakit hindi siya nagsasawang tumulong sa iba? 7. Galit ako sa pagmamalupit ng mga tao sa mahihinang mga hayop. 8. Ay! Naku ang laking daga! 9. Mama, may momo diyan. 10. Wow, ang daming pagkain!