Gawain 1: Emoji! kung ang kung shortage Panuto: Suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng surplus, at naman kung ewkilibriyo. 1. Tatlong box ng chocolate ang kailangan ni Roger para sa kaarawan ng kanyang kaibigan ngunit isa nalang ang natitira sa tindahan. 2. Kakaunti lamang ang napagtindhan ni Tito Teddy dahil walang masyadong lumalabas ngayon dahil sa paglaganap ng Covid 19. 3. Sa pagragasa ng Bagyong Ofel maraming pananim na palay ang nasira, dahilan upang itaas ng mga magsasaka ang presyo nito. 4. Nais bumili ni Mang Luis ng higit sa 10 pirasong prutas ngunit 5 piraso lang kayang itinda ni Mang Alvin. 5. Nagkasundo ang prodyuser at konsyumer sa halagang Php100 at sa dami na 50. 6. Sa lamig ng panahon naging matumal ang paninda ni Mei Ann na sorbetes. 7. Dalawang daang kilo ang supply ng talong sa Agoo Public Market at dalawang daang kilo rin ang demand para rito. 8. Tinaasan ni Aling Luz ang presyo ng kaniyang mga panindang tina- pay dahil sa kakulangan ng supply sa harina. 9. Sa sobrang init ng panahon, maraming pananim na gulay nina Aling Marlene ang nalanta. . per kilo. 10. May 50 piraso na face shield si Aling Ethel at itinitinda niya ito sa halagang Php50 bawat isa, nang biglang nagsulputan ang mga nagtitinda sa mas mababang halaga. 11. Ipinagbibili ang repolyo sa halagang 100 per kilo, ngayong panahon ng tag-init biglang tumaas ito ng 200 12. Sa paglaganap ng “butcha” o double dead na karne, maraming mga mamimimili ang mas pinipili na lamang ang isdang bilhin. 13. Maraming mga kabataan ang nahuhumaling ngayon sa "K-POP", dahilan para maubos lahat ang panindang poster mi Ate Joanna. 14. Sa panahon ngayon ng pandemya, maraming mga negosyo ang nagsara dahil sa kakulangan ng supply na manggagaling pa sa iba't- ibang lugar. 15. Masaya si Cathy dahil naubos lahat ang kanyang panindang tinapay ganoon din si Gero na bumili sa kanyang mga paninda.