Sagot :
Answer:
Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.”(Mooney, 2011) EMILE DURKHEIM
3. “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag- aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang- yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. ”(Panopio, 2007) KARL MARX
4. “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan.”(Mooney, 2011) CHARLES COOLEY
5. ANO ANG LIPUNAN? Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama- samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga. Binubuo ng iba’t ibang institusyon, ugnayan at kultura.
6. ANO ANG BUMUBUO SA LIPUNAN 1. Istrukturang Panlipunan 2. Kultura
7. MGA ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN 1. Institusyon - isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. a. pamilya b. edukasyon c. ekonomiya d. relihiyon e. pamahalaan
8. 2. SOCIAL GROUP - ito ay tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. 2 uri ng Social Group 1. Primary group – tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibidwal. 2. Secondary group – binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa.
9. 3. STATUS - tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. 2 uri: 1. Ascribed Status - nakatalaga sa isang indibiduwal simula nang siya ay ipanganak. Hindi ito kontrolado ng isang indibiduwal. 2. Achieved Status - nakatalaga sa isang indibiduwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap. Maaaring magbago ang isang indibiduwal ang kaniyang achieved status.
10. 4. GAMPANIN (ROLES) - tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon at mga inaasahan ng lipunang kanyang ginagalawan. - ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunanng kanyang ginagalawan.
Explanation: