Sagot :
Answer:
Alam nyo ba na isang simbahan sa Baler, Aurora ang ginawang kampo ng mahigit 50 sundalong Kastila na patuloy na nakipaglaban sa mga Filipino kahit idineklarang tapos na ang digmaan noong Hunyo 1898. Dahil nawalan ng komunikasyon sa kanilang pamahalaan, hindi batid ni Captain Enrique de Las Morenas y Fossí na nakipagkasundo na ang Espana sa Amerika upang ilipat ang pamamahala sa Pilipinas. Kaya kahit tapos ang digmaan, pinalakas pa rin ni de Las Morenas ang pwersa nito at ginawang kampo ang San Luis de Tolosa church na kilala ngayon bilang simbahan ng Baler. Sa simbahan ay nag-ipon ng pagkain at bala ang tropa ni de Las Morenas at matapang na nakipaglaban sa tropa ng mga Filipino, na ilang ulit nagpasuko sa kanila at nagkumbinsing tapos na ang digmaan. Ang pagmamatigas ng tropa ni de Las Morenas ay tumagal ng may 11 buwan o 337-araw. Dahil sa tagal sa loob ng simbahan, marami sa kanila ang nagutom at namatay sa sugat at sakit, kabilang na si de Las Morenas. Sa pamamagitan ng isang pahayagan na galing pa sa Espana na inipit sa pintuan ng simbahan, nakumbinsi ang mga sundalong Kastila na tapos na ang digmaan at mapayapa silang sumuko. Ngunit 33 na lamang ang natira sa kanila. Ang insidenteng ito na tinawag na “Siege of Baler" ang naging hudyat na ganap ng natapos ang pananakop at pakikidigma ng Espana