Lagyan ng ☺️ ang mga sitwasyong nagpapakita ng paggalang sa opinyon o suhestiyon at ☹️ kung hindi nagpapakita ng paggalang. 1. Iniiwasan ni Tom ang mga kaibigang nagbigay puna sa kaniyang gawa. 2. Pinagtawanan si Sean ng mga kamag-aral niya nang magkamali siya sa pagsagot. 3. Masusing pinakinggan ni Patricia ang mga ideya ng kaniyang kapangkat. D 4. Hinihikayat ni Yvonne ang kaniyang mga miyembro na magbigay ng kanilang mga opinyon. 5. Isinaalang-alang nila Miguel ang mga opinyon ng nakatatanda at nakababata ukol sa pistang magaganap sa kanilang lugar. 6. Lumapit sina Jona sa kaniyang dating guro upang humingi ng ideya sa gagawin nilang programa para sa kanilang punong guro. 7. Sumama ang loob ni Charles nang hindi isinama ang kaniyang ideya sa pagbuo ng kanilang proyekto sa Araling Panlipunan. 8. Binuo nina Hannah ang kanilang tula tungkol sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ng pagsasama - sama ng kanilang magagandang karanasan. 9. Tinanggap ng maluwag ni Nathalie na hindi maisasama ang kaniyang ideya sa plano ng kanilang klase. 10. Nag - organisa ng palaro para sa mga kabataan sa kanilang lugar matapos na magkaroon ng pagpupulong ang pamunuan ng barangay. oling Pagninilay