Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Maraming patakaran at batas ang Amerika para sa pagsasarili ng Pilipinas, subalit tanging ang Batas Tydings- McDuffie ang nagbigay ng probisyon tungkol sa: A. Paghirang ng kinatawang Pilipino sa Kongreso ng Estados Unidos B. Paglaganap ng kulturang Amerikano sa kabuhayan ng mga Pilipino C. Pagbibigay ng kalayaan sa Pilipinas sa loob ng sampung taon D. Wastong pamamaraan ng paggamit ng salapi ng bayan 2. Ang pagsisikap ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan sa kamay ng mga Amerikano ay ipinakita sa pamamagitan ng pagpapadala ng mahuhusay na Pilipino sa Estados Unidos na tinawag na : A. Kasunduang Pangkapayapaan B. Kasunduang Pang-militar C. Misyong Pangkalayaan D. Pamahalaang Komonwelt 3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa patakarang pampulitika na ipinatupad ng Estados Unidos sa Pilipinas tungo sa pamamahalang nagsasarili? A. Pagdami ng mga dayuhang produkto sa pamilihan ng bansa B. Pagiging masunurin ng mga Pilipino sa kagustuhan ng mga Amerikano C. Pagkakaloob ng kasanayan sa mga Pilipino na mamuno sa pamahalaan D. Pagpayag na makapag-aral ang mga babae sa paaralan tulad ng mga lalaki