👤

ang tawag sa sistemang kalakalan is barter

Sagot :

Ang barter ay ang palitan ng paninda na hindi ginagamit ng pera o salapi.Karaniwang ang bagay na kinakalakal o pinagpapalitan ay kasinghalaga ng halaga sa salapi, subalit walang ginagamit o walang pagpapalitan o suklian ng perang nagaganap, mga bagay lamang. Samakatuwid, palitan lamang ito ng kalakal o palitan ng paninda. Tinatawag din itong kambyo, kamkalatse, at tuwayan. Halimbawa nito ang kalakalang nagaganap sa pagitan ng mga Muslim sa Zamboanga, Tawi-Tawi, at Jolo sa Pilipinas.

Nagsimula ito noong 960 AD. Dumating sa bansa ang mga Tsino dala ang mga sari – saring paninda tulad ng lata, porselana, bakal, karayom, seda at tingga.

• Ipinagpalit ng mga Tsino ang kanilang mga kalakal sa mga produkto ng mga katutubong mangangalakal sa iba’t ibang pulo.

• Ang mga produkto ng mga sinaunang Pilipino ay bulak, ginto, perlas, sibuyas, banig at kakaw.

• BARTER ang tawag sa sistema ng kalakalan noong sinaunang panahon.

• Paglipas ng panaho, ang mga mangangalakal na Tsino ay nagtayo ng kanilang pamayanan sa mga baybayin ng kapuluan. Ang iba ay hindi na nagbalik sa China at tuluyang nanirahan at nakapag-asawa sila ng babaing katutubo. Dahil dito, nagsimulang mahaluan ng kulturang Tsino ang kulturang Pilipino. Natuto ang mga Pilipino sa paggamit ng porselan, payong, pilak at ang paggawa ng pulbura.