Sagot :
Answer:
Mahalaga na alam natin ang likas kayang pag unlad o sustainable development dahil ang ating mga natural resources ay nauubos na. Dapat ay maging responsable tayo sa paggamit ng mga likas yaman at isa-alang alang ang susunod pa na henerasyon. Ang paggamit natin sa ngayon ay sobrang lakas, na wala nang matitira pa sa susunod. Ang sustainable development ay nangangailangan ng pagsasaalang-alang sa mga tao, sa kalikasan at sa ekonomiya. Dapat matugunan natin ang pangangailangan natin ngayon, pero hindi natin uubusin ang para sa ating mga anak.
Sa ngayon, halimbawa, mas binibigyan pansin ang solar energy. Dahil ito ay hindi nauubos gaya ng langis, mas mainam ito an pagkunan ng kuryente. Sa usapin naman ng tubig, may mga bansa na sa dagat kinukuha ang kanilang inuming tubig. Ilan ito sa mga aksyon na may kaugnayan sa sustainable development.
Explanation: