👤

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pares ng mga pangungusap (#1-5). Basahin at unawain ang mga pares ng mga pahayag at piliin sa ibaba ang titik ng wastong sagot na tumutugma sa kawastuhan o kamalian ng bawat pahayag. Isulat ang titik ng iyong sagot. (2 puntos bawat aytem).

A. Parehong TAMA ang pangungusap.
B. Parehong MALI ang pangunugusap.
C. TAMA ang unang pangungusap ngunit MALI ang ikalawa.
D. MALI ang unang pangungusap ngunit TAMA ang ikalawa.

1. a.) Maaaring gumawa ng kahit anong produkto ang mga mamamayan sa kahit hindi sila kasapi sa isang guild.
b.) Ang guild ay tumutukoy sa samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay.


2. a.) Ang krusada ay may higit sa apat na pangyayari kung saan pawang bigo ang lahat maliban sa unang krusada.
b.) Ang krusada ng mga bata ay naging dahilan ng karamihang mga batang nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba pa ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.

3. a.) Ang mga barbaro ay nakialam sa Imperyong Romano kaya ito ay tuluyang bumagsak.
b.) Ang Simbahang Katoliko bumaling ang mga mamamayan para sa kaligtasan at pamumuno pagkatapos bumagsak ng Imperyong Romano.

4. a.) Ang homage ay ang pagbibigay ng lupa ng lord sa vassal.
b.) Ang investiture ay ang seremonya kung saan ang vassal ay ilalagay ang kaniyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord.

5. a.) Ang hari ay tinatawag ring lord, liege o suzerain.
b.) Ang knight ang mga ordinaryong mamamayan na siyang nakatira sa maliit at maruming silid.