A. Salitang naglalarawan- maaaring pang-uri o pang-abay na nagpapahayag ng naramdaman ng nagsasalita (hal: Kahanga-hanga ang ipinakita niyang katapatan)
B. Sambitla- iisahin o dadalawahing pantig na salita na nagpapahayag ng matinding damdamin (hal: Naku!, Hoy!)
C. Patalinghaga- paglalahad ng damdamin na hindi lantaran, kundi gumagamit ng mga tayutay o matatalinhagang pananalita (hal: Nakapagpapanting ng tenga ang huli niyang sinabi.)
D. Pormularyong Panlipunan – mga pahayag ng pagbati o pagbibigay-galang at iba pang nakagawaian ng lipunang Pilipino (hal: Maligayang pagdating sa iyo. Magandang gabi po.)
____________1. Maraming salamat po sa tulong na ibinahagi niyo sa aking pamilya.
____________2. Kaygandang pakinggan ang mga lumang musika.
____________3. Aray!
____________4. Nakaguhit sa iyong palad ang iyong tadhana.
____________5. Si Lolo Temyong ay nasa dapit-hapon na ng kanyang buhay