Sagot :
Answer:
Sa kasalukuyang panahon, ang pagpapakasal ay nagiging mas madali para sa mga tao. Ngunit, mayroon pa rin mga ibang kultura at relihiyon na striktong sinusundan ang kanilang mga tradisyon ukol sa kasal. Sa mga relihiyon na iyon, dalawa sa malalaking relihiyon ay sumusunod ditto ay ang mga Katoliko at Muslim. Subalit, maraming tao ngayon ay nababahala sa gawa ng mga Muslim dahil maraming nagsasabi na may mga bagay na hindi “tama” o pang etiko. Ang hindi natin alam ay may mga nga magkasing parehas lang sa atin. At dahil ang Muslim ay ang pinakamalaking relihiyon sa mundo, mahalaga na mas intindihiin natin ang kanilang kultura—lalo’t-lalo na pagdating sa kasal—upang kumonti ang paghuhusga ng mga tao sa kultura ng mga Muslim
Ang alam ng mga ibang tao ay maraming pinagbabawalan sa kultura ng Muslim. Subalit, hindi nila nakikita na mayroon rin silang kalayaan lalong-lalo na sa kasal. Ipapakita rito ang mga kondisyon sa kasal ng mga Muslim at ikukumpara ito sa kasal ng mga Katoliko upang maging malinaw sa atin ang dahilan kung bakit ganoon ang kasanayan nila.
Diskusyon
Ang relihiyon ng mga Muslim, kung saan ay Islam, ay ang sanhi ng pagkakaiba ng mga kondisyon sa kasal ng mga katoliko. Una sa lahat, nakasulat sa Qur’an na ang bata na hindi pa nagbibinata o ang bata na binata na ay maari na pakasalan. Ito ay isang halimbawa na malayo na ang pagkakatulad ng kasal ng Muslim sa kasal ng mga Katoliko. Gayon pa man, may pagkakataon naman gawing sibil ang kanilang kasal katulad ng mga Katoliko. Ayon sa terminolohiya ng Islam, tinatawag nilang nikah ang kanilang pagkakasal. Ang nikah ay pwede gawing sibil lamang kung mayroong silang patunay na nakasulat. Itong patunay na ito ay ang kanilang kontrata sa kanilang nikah. Talagang nakakatulong ang kontrata sa sibil na nikah dahil ito ay humahadlang sa mga sagabal na kumokontra sa nikah ng mag-asawa.