👤

Need ko po ng help dito ty

Need Ko Po Ng Help Dito Ty class=

Sagot :

Answer:

PANANAMPALATAYA

Ang pananampalataya ay isang paraan upang sambahin ang Diyos. Isa na rin itong paraan upang makipag usap at magpasalamat sa may likha.

2..Paano ko mapapalago ang aking buhay pananampalataya?

a.PANINIWALA

Nakadepende ito sa sariling paniniwala ng isang tao. Magkakaiba ng paniniwala ang mga tao, katulad ko, ang aking paniniwala ay buhay ang Diyos at darating ang panahon na siya'y bababa sa lupa upang baguhin at pangalagaan ang kaniyang mga lingkod.

b.PAGTITIWALA

Tiwala lang sa kakayanan ng Diyos at ika'y kanyang bibigyan ng biyaya at lakas. Isang pinakamalaking bahagi ng pananampalataya ang pagtitiwala, dahil sa pagtitiwala, maraming nakikilala at dito napapatunayan kung gaano ka nagtitiwala sa Maykapal.

c.PAGTALIMA

Pagtalima o pagkahilig sa lahat ng pamamaraan ng pananampalataya upang lalong umigting ang iyong kalooban sa Diyos at mas lalo kang mapalapit sa kabutihan.

3.PAANO KO IBABAHAGI ANG AKIN PANANAMPALATAYA SA AKING KAPWA?

Pagiging mabuting tao sa kanila upang ako'y kanilang gayahin at gawing isang halimbawa ng pagiging mabuting mananampalataya.

4.ANO ANG MAGAGANDANG NAIDUDULOT NG PANANAMPALATAYA SA AKING BUHAY KRISTIYANO?

Mas lalo akong mapapalapit sa Diyos lalo na ang aking magulang at pamilya. Maraming biyaya ang aking makakamit at maaari ko rin itong ipasa o ibahagi sa iba upang maiwasan ang pagiging makasarili at upang mapatunayan sa Maykapal na hindi ako masamang Kristiyano at hindi ako makasarili.

hope nakatulong ako...