Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. 1. Bunga ito ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian. a. pasiya b. kilos c. kakayahan d. damdamin 2. Ang moral na kilos ay ang makataong kilos, Bakit? a. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos. b. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran. c. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan. d. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama. 3. Si Tony ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya't mahal na mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Tony? Tama, dahil marami naman siyang natutulungan nangangailangan. b. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong. c. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos. a. na 4. Ang isip ay para humusga at mag-utos, ang kilos-loob ay ano? a. Umunawa at magsuri ng impormasyon. b. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip. c. Tumulong sa kilos ng isang tao, d. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos. 5. Sa mga sumusunod ano ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya? a. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa ay nakaaapekto sa kabutihan. b. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob. c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. d. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang