👤

Gabay sa Pagkatuto Bilang 5: Batay sa ilang kasunod na pangyayari sa
binásang epiko, ibigay at ipaliwanag ang mga aspektong pangkultura ng mga
taga-Visayas, tulad ng: kaugalian, kalagayang panlipunan, paniniwala o
prinsipyo. Gawin ito sa ságútang papel
Pangyayari
Aspektong Pangkultura
Pagpapaalam ni Labaw Donggon
sa ina bago hanapin si Anggoy
Pagtatanggol ni Buyong sa
pag-angkin ni Labaw Donggon sa
kaniyang asawa
Paghahanap ng magkapatid na
Baranugan at Asu Mangga sa
kanilang ama​


Gabay Sa Pagkatuto Bilang 5 Batay Sa Ilang Kasunod Na Pangyayari Sabinásang Epiko Ibigay At Ipaliwanag Ang Mga Aspektong Pangkultura Ng MgatagaVisayas Tulad Ng class=

Sagot :

Answer:

Aspektong Pangkultura ng mga taga-Visayas

Pangyayari:  Pagpapaalam ni Labaw Donggon sa ina bago hanapin si Anggoy.

Aspektong Pangkultura: Inilalarawan sa pangyayaring ito na ang mga taga-Visayas ay humihingi muna ng pahintuloy sa kanilang mga magulang bago sila magtungo sa isang lugar. Ito ay pagpapakita ng paggalang sa magulang, at isa ito sa mga mabubuting katangian ng mga Bisaya.

Pangyayari:  Pagtatanggol ni Buyong sa pag-angkin ni Labaw Donggon sa kanyang asawa.

Aspektong Pangkultura: Ang mga kalalakihan sa Visayas ay pinapahalagahan ang kanilang pamilya, at hindi sila basta-basta papayag na magkawatak-watak na lamang ito. Ang mga lalaki ay handang makipag-patayan upang maipagtanggol ang kanilang mga asawa at anak.

Pangyayari:  Paghahanap ng magkapatid na Baranugan at Asu Mangga sa kanilang ama.

Aspektong Pangkultura: Nagpapakita ito ng mahigpit na pagbubuklod ng mga pamilya sa Visayas. Gagawin ng mga anak ang lahat upang matagpuan ang kanilang nawawalang ama.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Labaw Donggon, bisitahin lamang ang link na ito:

https://brainly.ph/question/977592

#BrainlyEveryday