1. Sa paghahalaman, binibigyan ng pansin ang wastong paghahanda at pangangalaga ng tanim upang maging mabuti ang pagtubo ng mga halaman. Alin sa mga sumusunod ang inilalagay sa lupa upang magkaroon ng sustansiya ang mga pananim? A. Mga kahoy B. Mga bulok na binhi C. Abonong organiko D. Mga nasirang pagkain 2. Maayos na ang punlang pananim na inaalagaan ng mga bata ngunit ibig pa nilang maging malago ang mga ito. Ano ang dapat nilang gawin? A. Diligin ng sobrang tubig C. Bisitahin ito ng madalas B. Sugpuin ang mga peste't kulisap D. Hayaan ang mga damong tutubo sa paligid nito 3. Ang mga nasa ibaba ay ilan sa mga natutuhan mong wastong pangangalaga ng mga halaman. Alin ang di dapat? A. Paglagay ng sobrang tubig C. Paggamit ng pataba mula sa mga nabubulok na bagay B. Pagpuksa sa mga peste at kulisap D. Paglagay ng bakod 4. Mahilig sa paghahalaman si Mang Abe. Marami siyang ipinunlang buto ng talong. Upang pangalagaan ang mga ito sa init ng araw, alin sa mga sumusunod ang tamang oras ng paglilipat ng punla? A. Pagsikat ng araw C. Hapon o kulimlim na ang araw B. Katanghaliang tapat D. Sa pagitan ng ika-10 at ika-11 ng tanghali 5. Lalong kailangan ng mga pananim ang wastong pagdidilig upang sila ay maging malusog at lumaking malago. Kailan at anong oras dapat magdilig ng pananim? A. Araw-araw sa may bandang umaga at hapon C. Minsan isang lingo at maaga B. Araw-araw tuwing tanghaling tapat D. Bago sumapit ang ika-12 ng hapon