Sagot :
Answer:
Naging kapakipakinabang ang turismo sa isang bansa dahil ang turismo ang nagpapaangat ng ekonomiya at kasikatan ng isang bansa dahil sa angking kagandahan. Ang isang bansa ay nakikilala sa pamamagitan ng magaganda nitong mga tourist attraction na dadayuhin ng mga turista at maibabahagi na ang kagandahan ng bansa upang mas marami pa ang dumami at tumaas ang ekonomiya.
Nakakatulong ito sa bawat Pilipino upang maalerto at matuto ang mga Pilipino na maging malinis sa kapaligiran at ingatan ang kagandahang taglay ng Pilipinas. Mas maiingatan at matutuloy ang kultura at tradisyon ng Pilipinas at ang mga putahe at pagkain na sa Pilipinas lamang maluluto. Makakatulong ito upang umangat rin ang ating ekonomiya at mas makilala sa mundo ang Pilipinas.