👤

dahilan ng pag salsa ni lanab tapar dagohoy​

Sagot :

Answer:

Fransisco Dagohoy

Ang pag-aalsang ito na pinamunuan ni Francisco Dagohoy sa lalawigan ng Bohol ay tumagal ng halos 85 taon. Ito ang pinakamatagal sa lahat ng naitalang pag-aalsa laban sa mga Espanyol. Nagsimula ito noong 1744 at nasupil lamang noong 1829. Umabot ng 3,000 ang kanyang mga naging tauhan na nahimok niyang lumikas sa kabundukan. Ang pagtutol ng isang paring Heswita na bigyan ang kanyang kapatid ng isang katolikong libing ang naging ugat ng pag-aalsang ito.  

Diego at Gabriella Silang                                                         Pinamunuan ng mag-asawang Silang ang pag-aalsang ito sa lalawigan ng Ilocos na naglalayong alisin ang indulto de comercio o ang karapatan ng

 

mga nasa gobyerno na magnegosyo, masipa sa puwesto ang mga abusadong opisyal, at mapababa ang buwis. Layunin din ng pag-aalsang ito na palayasin sa nasabing lalawigan ang mga Espanyol at mestiso. Si Diego ang nagpasimula ng pag-aalsang ito sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa mga Ingles na nangako sa kanya na magpapadala ng mga armas upang magamit laban sa mga Espanyol. Ipinagpatuloy ng kanyang asawang si Gabriela ang paghihimagsik matapos na siya ay paslangin. Kabilang sila pinakaromantikong mga bayani sa kasaysayan ng ating bansa.

Explanation:

Go Training: Other Questions