Sagot :
Ang mga katanungan ito ay masasagot sa Batas ng Demand at Batas ng Suplay.
Ayon sa Batas ng Demand, kapag mababa ang presyo, mataas ang demand. Kapag mataas ang presyo, mababa ang demand (tingnan ang larawan sa itaas). isang halimbawa nito ay ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado. Pangunahing pagkain ang bigas. Ang lalong pagtaas ng presyo ay may malaking epekto sa mga mamimili. Hindi kaya ng ordinaryong mamimili na bumili ng bigas na may presyo 50.00 bawat kilo. Hahanap siya ng bigas na mas muras tulad ng NFA rice na ang presyo nito ay 27.00 kada kilo. Makikita dito kung gaano karami ang bibili ng bigas na NFA kaysa sa mga imported rice. Makikita sa grap sa itaas ang relasyon ng presyo at ang dami ng produkto na kayang bilhin ng mga mamimili.
#CarryOnLearnings™