Panuto: Isulat ang T kung ang pinapahiwatig ng pangungusap ay tama at M kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Kung hindi tinatapunan ng basura ang ilog ng Marilao ay malinis sana ang tubig na nakukuha dito para sa kabahayan. 2. Ang tubig sa ilalim ng lupa ay hindi nauubos. 3. Mga komunidad lamang sa kabundukan ang nahihirapang makakuha ng tubig na malinis. 4. Tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng malinis na mapagkukunan ng tubig ang mga mamamayan. 5. ang ating mga ilog ay dapat panatilihin natin malinis upang ito ay pakikinabangan ng mga tao. 6. pag hindi natin pangalagaan ang ating mga katubigan lahat tayo ay walang makukuha ng tubig para sa ating pangangailangan. 7. maraming lugar sa luzon visayas at mindanao ang dumaranas ng kakulangan ng malinis na tubig. 8. ang mamamayan at ang pamahalaan ay dapat na magtulungan upang manatiling malinis at buhay ng mapagkukunan ng tubig. 9. sa luzon mga mayayaman lamang ang mayroon malinis na tubig. 10. dapat nating tipirin ang tubig dahil darating ang panahon na ito ay mawawala sa atin