👤

ano dahilan
ng globalisasyon ?​


Sagot :

Answer:

Ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng malawakang kilusan para sa globalisasyon ay upang mapabuti ang ekonomiya at pamumuhay ng mga tao. Dahil sa globalisasyon, nakakabili tayo ngayon ng mga gadgets at kung anu-ano pang mga pagkain mula sa ibang bansa sa murang halaga. Tulad ng iPhone at mga tsokolate na imported mula sa ibang bansa.

Ang globalisasyon din ang dahilan kung bakit marami ang mga international na kumpanya ang nagtatayo ng kanilang mga opisina at pabrika dito sa Pilipinas at sa iba't iba pang mga karatig na bansa.

Sa simpleng pananalita, ang mga bansa ay nagkakaroon ng kasunduan upang maipababa ang mga gastusin at buwis na sangkot sa pagkalakal ng mga bagay mula sa kanilang bansa patungo sa iba - kasali dito ang mga pagkain, mga raw materials, mga trabahador, at iba pa.

Explanation:

Sana maka tulong